Sebastinian Echo Online Edition. Link to Home
June-March 2001

    Filipino

 
D E P A R T M E N T S  
HEADLINES  
OPINION  
FEATURE  
LITERARY  
SCI-TECH  
FILIPINO  
SPORTS  
S E R V I C E S  
ALUMNI CENTER  
POWER SEARCH  
THE STAFF  
 


Home | About Us


Kamalasan

ay mga taong masusuwerte at may mga tao ring ang kakambal sa buhay ay kamalasan. Kabilang sa huli si Concepcion Villos. Wala siyang kapatid dahil sa nakunan ng ilang beses ang kaniyang ina sa panganganak. Ulila na rin sya sa magulang dahil sa namatay ang kanmyang ina sa panganganak at ang kanyang ama ay nadisgrasya sa pinagtatrabahuhan nito. Ganyan kahirap ang buhay ni Concepcion.

Nabubuhay si Concepcion sa awa at tulong ni lola Tinay, isang matandang mabait na kapitbahay. Gayon pa man ay sinisikap pa rin nyang magpakatatag kahit na ganoon ang kanyang kalagayan. Sinisinop niyang mabuti ang kubong naiwan ng kanyang mga magulang at sya’y naglilinis at nagtatanim sa hardin nito. Kung minsa’y tumutulong siya kahit kaunti kay lola Tinay sa pamamagitan ng pagtitinda ng diyaryo at samoaguita sa harap ng simbahan. Sya’y nakakatulong kahit papano sa umaaruga sa kanya.

Si Muning lamang ang tangi nyang kalaro at kapatid. Ito ay nagbibigay kulay sa kanyang daigdig at pumoprutekta kahit saan man siya pumunta.

Isamg araw may humintong kotse sa tapat ng kanilang bahay at ito’y napakaganda, halata ang kintab sa itsura nito at tila nabibili ng milyon. May isang babaeng lumabas sa sasakyang ito na may nakasisilaw na katawan dahil sa puno ng mamahaling alahas, siya’y napakaganda sa suot niyang bistida na hapit sa katawan. Kitang-kita ang hubog nito na may katernong bag na tila punung-puno ng pera.

“Nene,” wika ng nakabibighaning babae. “Saan ba dito ang bahay ni Concepcion na anak ni Ligaya at Mang Ryan?”tanong nito.

“Sino po ba kayo? Marahil ako ang inyong pakay. Ako si Concepcion, ano po ba ang maipaglilingkod ko sa inyo?”, sagot ni Concepcion. Lumabas si lola Tinay at tinanong kung sino ang kausap ni Concepcion at ito’y pinatuloy nila sa bahay. Nag-usap silang tatlo at nagpakilala ang bawat isa.

“Ako si Delia, pero ang tawag nila sa akin ay Concha. Pinsang malayo ako ng iyong ina. Sumulat dati sa akin ni lola Tinay at sinabing ulila ka na. Binigay daw ang adres ko ng iyong ina kay lola Tinay. Hindi ko kasi alam na namatay noon ang iyong ina dahil nasa ibang bansa ako. Natulungan ko sana siya,” napatungong sabi ni Concha.

“E ano po ba ang maaari kong itawag sa inyo?”,sabi ni Concepcion.

“Tiya Concha na lang, tutal masaya ako roon”,sagot ni Concha. “Magbihis ka na rin dahil isasama ka namin sa Maynila. Maganda roon at maaari ka pang makapag-aral.” Umakyat na ng kanyang silid si Concepcion para magbihis at pagkatapos ay bumaba agad. Nagpaalam siya kay lola Tinay na may luha sa mata dahil napamahal na rin ito sa kanya.

Umalis na sila, sa tatlong oras na biyahe ay marami syang napansin sa mga nadaanan. Nandiyaan ang iba’t-ibang kaguluhan sa isip niya ay natanto na hindi pala katotohanan na sinabi ni tiya Concha. Pagdating naman agad sa bahay ay agad syang pinapahinga sa simpleng silid lamang. Sa kamang kanyang hinihigaan, nabatid nya na napakaganda ng bahay pero sya ay matutulog sa maliit na silid lamang.

Maaga syang ginising ni tiya Concha. Tila ikaapat pa lamang ng umaga at hindi pa sumisikat ang araw. Syay pinagalitan nito dahil tanghali na raw ito magising at dapat ay maaga pa lamang ay gumising na ito dahil marami pa syang lilinisin at isa pa ay magluluto pa ito ng agahan ng kanyang tiya at ng batang-batang asawa nito na si Edward. Mula nang siya ay ginising, nagsimula na siyang maglinis. Inumpisahan ang apat na banyo, dalawang kusina, ang dalawang salas at ang apat na silid. Siya’y pagod na pagod at namahinga muna ng sandali. Ngunit nang makita siya ni tiya Concha ay pilit siyang pinatayo at inutusan na naman. Hindi niya alam na ganoon ang mangyayari sa kanyang buhay, siya ay ginawang alila ng kanyang tiyahin. Nang siya ay tapos na, sinigurado niya na wala na siyang gagawin at bumalik sa silid. Tamang-tamang ay umalis ang kanyang tiya. Mahimbing siyang nakatulog dahil sa pagod at di na niya napuna na nakalilis ang kanyang palda. Pumasok ang tiyo Edward at nakita siya, nakaramdam ng kung ano ang kanyang tiyo at dahan-dahan siyang nilapitan. Tinak[pan ang bibig at ginahasa. Sa dahilang siya’y at hinang-hinang, di siya nakalaban ng husto at naiwaksi ng kanyang tiyo ang init sa katawan nito.

Dumating si tiya Concha at dinatnan na magkatabi sila. Sa galit nito ay simabunutan nito si Concepcion at kinaladkad palabas ng bahay. Kumuha ng baril ang kanyang tiya at may balak na siya’y patayin dahil s akanyang kalandian. Kahit hirap si Concepcion dahil sa mga pasa at gasgas, siya ay kumaripas ng takbo upang iligtas ang kanyang sarili sa tiyak na kamatayan. Naghabulan ang tatlo, pumasok ito sa isang maliit na dram ngunit matalas ang mata ng mag-asawa at siya’y natagpuan pa rin.

Para mailigtas muli ang sarili, siya ay tumakbong muli at siya ay nakasakay sa isang taksi at binalak na bumalik sa kanyang lola Tinay. Pagdating ay ikinuwento niya ang lahat ang tunay na pakay sa kaniya na gawin siyang katulong at di para arugain. Tumutulo ang luha sa kanyang mata kasama ang kanyang pagsisi sa sarili kung bakit pa niya iniwan si lola Tinay na siyang tunay na nag-aruga at nagmahal sa kanya bilang isang tunay na anak.

Sa awa at kapighatian, si lola Tinay ay napaiyak dinat humingi ng patawad kay Concepcion kung bakit pa niya sinulatan ang tiya Concha nito.

Makalipas ang ilang taon, nagbunga ang panggagahasa sa kanya. Minahal niya ito ng buong puso at ipinangakong hindi na muling mauulit ang mga pangyayari sa kanyang buhay sa batang isinilang niya. Nabuhay sila ng maligaya at matiwasay ng kanyang lola, ng kanyang anak at ng kanyang bago at tapat na mangingibig. Ngayon Si Concepcion ay maaring masasabi na masuwerte nang mamumuhay.  

- Alvin Hernandez




| Back on top |

Departments: Headlines | Opinion | Feature | Literary | Sci-Tech
Filipino | Sports  Services: Alumni Center | Power Search | The Staff
© 2001 Sebastinian Echo. All Rights Reserved.
About Us | Webmaster | @ Contact