Make your own free website on Tripod.com
Sebastinian Echo Online Edition. Link to Home
June-March 2001

    Filipino

 
D E P A R T M E N T S  
HEADLINES  
OPINION  
FEATURE  
LITERARY  
SCI-TECH  
FILIPINO  
SPORTS  
S E R V I C E S  
ALUMNI CENTER  
POWER SEARCH  
THE STAFF  
 


Home | About Us


Cavite: Ang Alamat
ng Nakaraan

LUNGSOD NG KABITE, tatlong ulit na idineklarang pinakamalinis na syudad sa Pilipinas ay may kabuuang 1140 ektaryang lupa at may tinatayang 77962 na populasyon (July 1976). Karamihan sa mga naninirahan dito ay nagamit ng wikang Tagalog ngunit mayroon din namang gumagamit ng wikang Tsabakano.

Ilang taon bago dumating si Miguel Lopez de Legaspi sa Maynila, ang lugar ay natatakpan ng malalagong puno ng bakawan. Ang pataas at tuyong bahagi ay makapal na gubat maliban sa saklaw na tinitirahan. Ang silangang bahagi na malapit sa pininsula ay pataas (kalaunan ay nging Puerto de Cavite) na kung saan ang “rancheria” ay tinitirhan ng ilang Tagalog, ang orihinal na naninirahan dito. Sa Puerto de Cavite, maraming simbahan at kumbento ang itinayo ng mga orden.

Ang paring Pransiskano noong 1591 ay nagtayo ng ospital sa may muog. Noong 1641, ang Hospital of San Jose (Espiritu Santo) na kilalang San Juan de Dios na itinatag ng Congregation of San Juan de Dios para sa mga mandaragat at sundalo.

Ang pangalang Cavite ay may dalawang pinagmulan. Ilang alamat ay inihahambing ito sa hugis ng isla na parang kalawit, mula sa salitang Tagalog ng “Kalawit”. Nang dumating ang isang grupo ng Espanyol, itinanong nila sa mgakatutubo ang pangalan ng bayan, at sinagot nila ang salitang Kawit. Dahil sa hindi nila ito nauunawaan, paulit - ulit nilang inusisa at dahil sa inis ng mga katutubo ay sinagot nila “Kawit eh.” Naintindihan ito ng mga Espanyol na Kavite. Mula noon ay naging Kavite na isinulat na ng mga Espanyol bilang Cavite.

Ang tatlong bayan ng San Roque, Puerto de Cavite at Caridad ay pinag-isa ng Philippine Commission noong May 1903 at tinawag na Munisipyo ng Kabite.ang bayan ng Cavite ay naging lungsod noong May 26, 1940 sa ilalim ng Commonwealth Act No. 547 sa tulong ni Manuel S. Rojas. Itinadhana rin nito ang pagiging kapital ng probinsya noong May 24, 1954,sa pamamagitan ng Rep. Act 981, ang kapital na Cavite City ay isinalin sa Trese Martires City. Ngayon ang Cavite ay isa sa pinakamahalagang sentro ng komersyal at kalakalan ng Timog Luzon.

Ang lungsod ay kinalalagyan ng Naval Shipyard of the Philippine Navy at ng Naval Research Development Unit of the National Science Development Board.   Isinulat nina Jalaine Dotillos at Jenet Lim


| Back on top |

Departments: Headlines | Opinion | Feature | Literary | Sci-Tech
Filipino | Sports  Services: Alumni Center | Power Search | The Staff
© 2001 Sebastinian Echo. All Rights Reserved.
About Us | Webmaster | @ Contact